isolated…

kumbaga sa infected, naka-quarantine.
kumbaga sa accessories, detached.
kumbaga sa long distance, apart.
kumbaga sa video game, one-player.
kumbaga sa stars, di ma-reach.
kumbaga sa karne, tinga.
kumbaga sa chickenjoy, 1-piece.
kumbaga sa baraha, solitaire.
kumbaga sa pelikula, cast away…

ano raw? malabong kausap…? senyales din ba yun ng isolation? siguro nga… siguro nga…

ito ba yung feeling na mas trip mong kumain mag-isa pag lunchbreak na, kahit niya-yaya ka ng mga kaibigan at kasama mo. o ung manonood ka ng sine tapos wala kang katabi, samantalang yung iba eh enjoy na enjoy me kayakap sa lamig ng sinehan.

ung tipong sa loob ng classroom, mas gusto mong sa likuran ka lang, nasa tabi ng pinto, or nasa isang corner, walang kinakausap at katabi. or sa office, ung cubicle mo eh may malaking divider, na para bang may sarili kang mundo. sabihin na nating loner.

ung pakiramdam na 500+ naman ang contacts mo sa cellphone, pero wala kang madial, matext at makausap. or un bang nasa loob ka ng jeep na pangsampuhan, pero ikaw na lang yung pasahero at mahaba pa ung biyahe.

ito ba yung pakiramdam ng mga taong grasa sa kalye na namamalimos, na halos binalewala na ng lipunan? ito ba ung feeling na sa halos pitong bilyong tao sa mundo, iisa lang. oo, iisa lang siyang…

(pang-adik) eto ba ung nararamdaman mo pag tumititig ka sa araw na palubog na, na para bang pinadudugo muna ang langit bago tuluyang dumilim…

alam mo na ung sagot…

haaayy….

kader-der… isa na namang adik na post. living up to my blog header…

eto pambawi sa readers:

ahem…

12 Responses to “isolated…”

  1. GiantSiopao Says:

    ayos ah. pambawi ba talaga? o pang-hawa. wahahaha!

    may VIRUS ka na rin pala. EMO virus. wahahaha.

  2. jldajo Says:

    siguro nga, pang-hawa… pang-hawa ng kagwapuhan, sana mahawaan ka… hehe. masarap din maging emo paminsan minsan, pero wag lang palagi… adik na yun…

    miss u bro… dota tayo minsan…

  3. GiantSiopao Says:

    DotA? ano un? di ko ata alam un ah. wahahaha.

    pang-hawa ng ka-gwapuhan? di ko na kailangan niyan. masyado na akong nagdurusa sa sumpang ibinigay sa akin. di ko naman hiniling na maging gwapo o pogi pero binigyan pa rin ako. SUMPA ITO! SSUUMMMPPPAAAA!!!

    ayokong maging EMO. baka matuluyan ako at mag-laslas habang umiiyak sa loob ng banyo. doon sa may gilid. sa tabi ng trono.

    miss na din kita kuya! ahaha. pa-burger ka naman!

  4. nim Says:

    my friend. Alam mo, meron talagang mga moments na ganyan ang tao kasi nga. Man is a social being, Natural lang yan. Ako rin naman, isang anti-social nagkakaroon din ako ng mga moments na naghahanap ako ng kaluluwa na makakasama.

    Siguro dala lang yan ng over romanticism mo. Don’t flood your ears with love songs and sad songs. Lessen sad movies. It helps. Alam mo why not volunteer on some advocacy project it helps. Helping others will make you feel better and will add value to your life… for the moment.

    My dear friend. This will pass. Don’t concentrate on this is issue to much. I know your way good looking than me and more intelligent than me but my point is… mataas pa ang market value mo at pwede pang pataasin sa pamamagitan ng gym at pagpapayaman at pag nenetwork ng mga tao. Ang pinaka-point ko, mataas ang probability na mahahanap mo rin siya. Di pa siguro ngayon.

    Siguro at this point you are being soiled with sadness and loneliness (katigangan) for you to appreciate and acknowledge the missing parts of your life. Once you realize their value in your life siguro dun darating.

    May gaadd ang incoherent… love you friend. Salamat sa pag-witness ng euphoric moment ko :D

  5. nim Says:

    JL my friend. oK lang yan. Alam mo minsan pigging out helps :D

  6. jldajo Says:

    - nim… haaaay.. nim… it’s the other way around. i’m neither sad” nor “tigang”, hehe… me nalalaman ka pang romanticism… pero tama ka, im good looking :) and intelligent. pigging out is cool din… thanks din sa support!

    - eman, kelan na ang swimming?

  7. rakz Says:

    ngayon ko lang nabasa to ah..

    naging ganyan din ako..ina-isolate ang sarili s mga tao..pero aun,npgod akong maging isolated..napagod maging emo! hahaha!

    ok k n b friend? God bless!

  8. rimewire Says:

    hakhak

    bka nababaliw na u!

    hakhak

    elyens

    XXXxx

  9. Che-Ann Says:

    Happy Birthday JL!
    More birthdays to come!

    Nice pic ha.. ;)

    Ngaun ko lang nabasa itong wordpress blog mo…

    Lam mo, kahit ako eh madalas makaramdam ng ganun..sabi nga ng iba, eh nagse-self-pity daw ako…ewan ko, di ko maiwasan…ganun kasi talaga pakiramdam ko..yung tipong kahit anong gawin ko eh feeling ko di ako maappreciate ng iba…kalungkot lang talaga minsan…haaayyy…(ayan, nagdadrama na ang lola mo…hahaha…)

    Pero okay lang yon..sa kabila naman ng lahat ng kalungkutan at kadramahan ng tao eh for sure marami rin namang happy moments at mga bagay-bagay na makakapagpasaya sa ‘tin. Kailangan mo lang syang marealize at maappreciate dahil kung hindi eh puro negative na lang talaga ang maiiwan sa buhay natin…

    Basta, always live your life to the fullest, friend. Enjoy every moment you have. Go for the things that would make you happy (pero syempre sana yung mabubuti lang..)

    May God always bledd you. Take care! ;)

  10. themousepotato Says:

    miss you too pafs… bwahahah

  11. nex Says:

    haha ang emo ng dating ah

  12. paperdoll Says:

    ayos ah! hehe. . may sense naman kahit pang adik lang. . hehe. .ganun talaga minsan kailangan mapag isa para malaman lang na mas masarap ang may kasama. . ano daw?

Leave a Reply