i am so damn ina-antok na… wala na ko sa wisyo, pero trip ko pa rin magpost. start naman na ng 4-days na walang pasok… hopefully, pag matapos ko ung mga “ginagawa” ko, makuha ko na rin yung rest na hinahanap-hanap ko… medyo patay ang social life ko ngayon…
4-6 hours rest lang kada araw, sa sobrang daming ginagawa… masaya naman ako kahit papano sa ganitong stage…
ayos din naman mag-isa paminsan-minsan.. yung tipong wala kang ibang iniisip at ina-alala. yung tipong makaka-pagtahimik ka na saktong gusto mo ng katahimikan.
yung tipong magmemeryenda ka sa jollibee na ikaw lang… bibili ng gamit o damit pag sale sa mall na ikaw lang… magsa-sound trip o mano-nood ng tv na ikaw lang… at ang pinakamatindi sa lahat, maglalakad sa kalsada ng ikaw lang (pasuray-suray, ahahaha)…
pagiging mag-isa…? masasabi ko, pag mag-isa ka, dun mo lang nagagawa yung sobrang sarap na buntung-hininga, yung tipong lahat ng nasa pinaka-kaloob-looban ng kinikimkim mo, mula ulo hanggang paa sagad pati buto at kaluluwa, e nabubuga mo ung masamang hangin mula sa katawan mo. hindi utot ang tinutukoy ko…… unlike pag may ibang tao, iba kasi yun..
dun mo rin malayang nagagawa ang maging tulala ng matagal na hindi naco-conscious. di ba minsan masarap matulala? may klase kasi ng pagkatulala na blanko yung utak mo. yung tipong mindset=null; or pwede ring mind=100/0; hindi dementia yan ha. ano lang, minsan di ba kasi may mga eksenang ganyan.
aminin mo, dun mo rin nagagawang magkutkot ng ilong at ng kung anu-ano pang parte ng katawan mo….. ng singit, ng kilikili at ng pisngi… ahahaha
syempre, marami pang pwedeng gawin ng mag-isa… kaso di ko na sasabihin dito, akin na lang yun (ahahaha). corny, ahem….
walang kwenta na tong mga nasasabi ko… tinetesting lang tong utak ko, ngayong magbe-bente kwatro oras na kong gising. bukas, este mamaya babasahin ko to uli, para maconfirm kung ADIK nga talaga ako. so far eto na ang pinaka-walang kwenta kong post… teka, nananaginip na ata ako….
hindi ko sinasabing mag-isa ka na lang buong buhay mo. syempre, wala pa rin tatalo pag binibigyan mo ng panahon ang mga mahal mo sa buhay, suklian man nila ito o hindi….
zzzz… congrats! tinapos mo tong walang kwentang usapin..


Thu 1 Nov 2007 at 11:41 pm |
PUNYETA, parang naka-drugs ah…
Sat 3 Nov 2007 at 7:38 am |
Yup. It is indeed so nice to be by yourself every now and then. Hehehe. Anyway, I just put a link of your blog in mine. Just link me up if you want to. Hahaha.
Mon 5 Nov 2007 at 1:01 am |
haha! totoo yan jL! madami kang mggwang “personal” na bagay pag mag-isa..wahaha nakarelate daw ba??!